7 TULAK TIMBOG SA P3.4-M SHABU

BULACAN- TINATAYANG aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at Bulacan PNP sa isinagawang buy bust operation sa bayan ng Bocaue na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang drug pushers.

Sa report na tinanggap ni Acting PNP Provincial Director Col.Charlie Cabradilla na ipinadala kay PRO3 Regional Director BGen.Matthew Baccay, kinilala ang mga nadakip na sina Jayson Falcon at Edwardo Elgarlino, kapwa nasa hustong gulang ng San Antonio at Balintaw Quezon City.

Nakumpiska sa mga suspek ang 500 gramo ng ilegal na droga habang arestado rin ng mga tauhan Drug Enforcement Unit ang 5 iba pa na kapwa tulak din ng shabu sa mga bayan ng Angat, San Miguel, SJDM at Sta. Maria.

Nasa 17 plastic sachets ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad habang dalawa pa ang dinakip rin sa ibat-ibang kaso. THONY ARCENAL