CAGAYAN – PITONG Vietnamese ang kasalukuyang nakakulong matapos mahuli sa karagatang sakop ng teritoryo ng Filipinas.
Ito ay nang maaktuhan sila ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at patrol ng Bureau of Fisheries na ilegal na nangingisda sa karagatang sakop ng Dalupirip, Calayan.
Nakuha sa kanilang fishing vessel ang squid bait at 30 piraso ng blue marlin at yellow fin tuna.
Kaugnay nito ay ipinaalam agad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Vietnam Embassy sa Maynila ang pagkakahuli sa pitong Vietnamese citizen sa kagaratang sakop ng Cagayan dahil sa poaching o illegal fishing.
Ayon kay Atty. Arsenio Bañares ng BFAR Region 2, nakakulong na sa Bureau of Jail Management and Penology sa Aparri, Cagayan ang mga nasabing dayuhan na nahuli sa Isla ng Calayan.
Nabatid na nirekomenda ng korte ang tig-P200,000 na piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.