KARIT ni kamatayan ang sumalubong sa 70-anyos na pasyente makaraang magkamali ng operasyon ang isang doctor nang alisin ang liver imbes na spleen may ilang araw na ang nakalipas.
Base sa medical record ng Zarzaur Law, noong Agosto 21, lumilitaw na nagsimulang sumakit ang kaliwang tiyan ng biktimang si William ” Bill” Bryan kaya kaagad na isinugod sa Ascension Sacred Heart Emerald Coast Hospital sa Miramar, Florida, USA.
Kaagad naman sinuri nina Dr. Thomas Shaknovsky, general surgeon at Dr. Christopher Bacani, hospital chief medical officer kung saan inabisuhan ang pasyente na kaagad na isailalim sa surgery.
Base sa pahayag ng asawang si Beverly Bryan, sinabihan siya ni Dr. Shaknovsky na nag-oversize at lumipat sa kaliwang tiyan ang spleen ng biktima.
Ayon sa law firm, lumilitaw na nagkamali ang surgeon ng operasyon na imbes na spleen ang tanggalin ay liver ang inalis kaya nauwi sa matinding pagkawala ng dugo hanggang sa mamatay ang pasyente.
Magugunita na ang mag-asawang Bryan na kapwa nakatira sa Muscle Shoels, Alabama, USA ay magkasamang bumisita sa kanilang ari-arian sa Okaloosa County, Florida kung saan nagsimulang sumakit ang kanang tiyan ni William.
Base sa ulat ng ilang news agency, lumilitaw na si Dr. Shaknovsky ay nagkamali na rin ng surgery noong 2023 matapos operahan ang isang pasyente sa pancreas imbes na adrenal gland kung sasn ang kaso ay na-settle namang pribado.
Sa ulat ng U.S. News & World Report, si Dr. Shaknovsky ay colon at rectal surgeon sa Crestview, Florida kung saan associated sa dalawang hospital na Ascension Sacred Heart Emerald Coast sa Destin, Florida at Twin Cities Hospital sa Niceville, Florida.
Kasunod nito, nanatiling wala pang kasong isinasampa ang pamilya ng biktima laban kay Dr. Thomas Shaknovsky habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Walton County Sheriff’s Office katuwang ang District 1 Medical Examiner’s Office at State Attorney.
MHAR BASCO