70 BAGONG KASO NG COVID SA CRUISE SHIP

Katsunobu Kato

MAY  panibagong 70 kaso ng CO­VID-19 sa barkong Diamond Princess na naka-quarantine sa Japan.

Ayon kay Japanese Health Minister Katsunobu Kato, umakyat na sa 355 ang kabuuang kaso sa nabanggit na cruise ship.

Samantala, inihahanda  na ng  Hong Kong ang eroplanong susundo sa kanilang mga mamamayan na nakasakay sa Diamond Princess.

Sa pahayag ng Hong Kong Security Bureau, ikinakasa na nila ang isang chartered flight na  mag-uuwi sa kanilang mga mamamayan oras na  kumpirmahin na ng Japanese authorities ang kanilang plano.

Magugunitang isinailalim sa quarantine ang Diamond Princess magmula nang dumating ito sa Yokohama, Japan noong Pebrero 3, matapos namang magpositibo sa COVID-19 ang isang pasahero nito na bumaba sa Hong Kong. DWIZ882

Comments are closed.