MAHIGPIT ang paalala ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos sa mga dadalo sa tradisyunal na simbang gabi tungkol sa 70 percent occupancy rate na pinahihintulutan sa mga simbahan sa ilalim ng alert Level 2.
Ayon sa PNP Chief, magiging hamon para sa simbahan, mga pulis, local governmen units at health authorities ang patuloy na pagpapatupad ng minimum Public Health standards nang hindi makakasagabal sa pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon.
Inatasan din ni Carlos ang PNP line Units na magsagawa ng kaukulang adjustments sa kanilang paapapatrolya dahil sa pagdami ng mga aktibidad sa gabi.
Kabilang na rito ang extended mall hours at misa de gallo.
Aniya,asahan na ng publiko ang presensiya ng mga pulis sa mga simbahan at iba pang pampublikong lugar ngayon holiday season.
Ang mga ito ang pangontra sa masasamang loob at para matiyak ang patuloy na pagsunod ng publiko sa mga Health protocols. REA SARMIENTO