PINABALIK ng Bureau of Immigration (BI) sa kani-kanilang lugar sa China ang 70 Chinese na sangkot sa illegal na operation ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa.
Ang nasabing bilang ng Chinese ay ang mga naaresto ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) matapos salakayin ang kanilang hide out sa Pasay City.
Sa nakalap na impormasyon, umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng umaga ang mga nasabing dayuhan sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 336 papuntang Shanghai, China.
Ayon kay PAOCC Chief Undersecretary Gilbert Cruz, 75 ang kabuuan ng kanilang dinampot ngunit, hindi nakasama ang lima sa deportation dahil mayroon kinakaharap na mga kaso sa korte.
FROILAN MORALLOS