70% DISCOUNT SA MALL SA MGA KAWAL

AFP-4

NAGPAHAYAG ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng taos-pusong pasasalamat sa sambayanang Filipino at sa mga organisasyon na patuloy na sumusuporta at nagpapataas ng moral ng kasundaluhan.

Ayon kay AFP chief of staff, Gen. Benjamin Madrigal Jr., napakarami nilang dapat na ipagpasalamat sa samba­yanang Filipino mula sa mga diskuwento sa pasahe, libreng sakay at mga serbisyo, donasyon para sa mga nasawi at  sugatang sundalo at maging sa kanilang mga dependent hanggang sa malaking diskuwento sa ilang shopping malls.

Ngayong Araw ng Kalayaan bukod sa mga nabanggit na benepisyo ay entitled din  ang mga kasapi ng AFP ng hanggang 70 percent discount sa selected items sa mga participating SM Supermalls tenants sa buong bansa.

“We encourage all active, retired, and veteran members of the military and other uniformed services to avail of this opportunity, ani AFP  Spokesman Noel Deto­yato kaugnay sa paggunita ng Independence Day.

Tiniyak naman ng AFP chief  na walang kapagurang tutuparin ng kasundaluhan ang kanilang sinumpaang mandato na pangalagaan ang kalayaan at kasarinlan ng Filipinas.

Handa at buo ang loob ng mga sundalo na magbuwis ng buhay kung kinakailangan sa kanilang pagtupad ng tungkulin.

“The Filipino soldier is always ready and willing to make sacrifices to protect the interests of the people. For many decades, thousands of soldiers have made the ultimate sacrifice to ensure that citizens have a peaceful and secure environment conducive to national development,” ani Gen. Madrigal.

Samantala, nanawagan si Col. Detoyato sa samabayanang Filipino na mahalin at pahalagahan ang nakamtang kasarinlan at gamitin ang natamong kalayaan para maging isang responsableng miyembro ng lipunan.

“Let us all take pride in our freedom not only during the celebration of our independence but in every waking moment that we have as Filipinos.”           VERLIN RUIZ

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *