70 KATUTUBO NA-FOOD POISON SA KILAWIN

KILAWIN-2

TARLAC – BUKOD sa kilawin, sinusuri na ng doktor ang gulay, ice cream, adobong baboy  at kanin na pawang inihain ng isang non-government organization (NGO) sa mga katutubo noong Sabado na naging dahilan ng umano’y pagkalason ng 70 Aeta.

Ang mga biktima ay pawang dumalo sa isang thanksgiving sa bayan ng Capas subalit makaraang makakain ay nakaram­dam ng pagkahilo at pananakit ng sikmura dahilan para magsuka at magdumi ang mga ito saka manghina.

Sinasabing alas-2 na ng hapon nagsikain ang mga bisita kabilang ang mga kabataan at pagsapit ng alas-4 ng hapon ay halos sabay-sabay nakaramdam ng pagkahilo at sama ng pakiramdam ang mga biktima.

Isinugod ang mga ito sa Tarlac Provincial Hospital kung saan ang ­unang diagnosis ay na-food poison ang mga biktima.

Paliwanang ni Dr. Sara Sangilan, posibleng dahil sa mainit na panahon kaya mabilis na nasira ang mga handang pagkain at mabilis ding kumakalat ang mikrobyo.

Habang iginiit ng lider ng mga katutubo na hindi sinasadya ang pangyayari dahil wala namang magnanais na magkaroon ng aberya ang thanksgiving party.

Habang hindi naman tinalikuran ng NGO ang kanilang obligasyon at dumalaw pa sa ospital ang ilang kinatawan.

Nagpaalala naman ang doktor  na dapat ay laging malinis ang pagkain lalo na’t tag-init na upang hindi na maulit ang food poisoning. EUNICE C.

Comments are closed.