MAHIGIT sa 70 kilo ng mga karne ng baboy, manok at baka ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs at Bureau of Animal and Industry sa Clark International Airport sa Zambales.
Sa ulat ng BAI, mula Disyembre 1, 2018 hanggang Enero 8, 2019, umabot sa 31.5 kilograms ng karne ng baboy, 18.5 kilos ng karne ng baka at 22.3 kilos ng manok ang kanilang nakumpiska.
Ito ay kaugnay pa rin ng paghihigpit na ginagawa ng BAI sa pagpasok sa bansa ng pork products dahil sa African swine fever outbreak sa ibang mga bansa.
Ang mga produkto ay dala ng mga pasaherong galing sa South Africa, Hong Kong, Taiwan, Macau, Spain at Amerika.
Nakatakdang sunugin ang mga nakumpiskang karne para masigurong hindi na mailalabas sa merkado. NENET V.
Comments are closed.