70 MANPOWER AGENCIES NAG-SARA DAHIL SA COVID-19 PANDEMIC

MANPOWER.jpg

NASA 70 manpower agencies ang napilitang magsara ngayong taon makaraang pansamantalang itigil ng mga foreign employer ang pagkuha ng overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa COVID-19 pandemic protocols.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) administrator Bernard Olalia, nag-abiso ang naturang mga ahensiya na nag-aayos ng recruitment at hiring ng ‘land-based’ overseas workers na sa ngayon ay kailangan nilang huminto ng operasyon.

Aniya, isa sa lubos na apektado ng pandemya ay ang overseas employment industry.

“Sa sea-based [agencies] wala naman po nagbigay ng notice. Ibig sabihin hindi gaanong apektado ang sea-based kumpara sa mga land-based,” sabi pa niya.

Ang land-based manpower agencies ang namamahala sa pag-recruit ng domestic helpers, factory workers, at iba pang propesyon na nag-ooperate sa land.

Samantala, ang sea-based manpower agencies ay yaong nagha-hire ng cruise ship staff at iba pang seafarers.

Magmula noong first quarter ng 2020 ay nagpatupad ng lockdowns ang ilang gobyerno para mapigilan ang pagpasok ng mga biyahero na maaaring magdala ng virus sa kani-kanilang bansa.

Ilang employers din sa ibang bansa ang napilitang magtanggal ng libo-libong OFWs matapos na mapinsala ng global pandemic ang ilang negosyo at industriya, kabilang ang aviation, tourism, atbretail.

Ayon kay Olalia, bilang tulong ay pinayagan ng POEA ang mga bangkaroteng manpower agencies na bawiin ang kanilang escrow deposits, at aw-tomatikong pinalawig ang validity ng kanilang license to operate kung mapaso ito habang nasa pandemya ang bansa.

“Pati ‘yung accreditation ng kanilang foreign employers automatic extended dahil napakahirap po magproseso ng mga papeles ngayon kaya tayo po ay tumutulong sa ating mga recruitment agencies,” aniya.

7 thoughts on “70 MANPOWER AGENCIES NAG-SARA DAHIL SA COVID-19 PANDEMIC”

  1. 222569 212357Following study several with the blog articles for your internet website now, and i also genuinely such as your strategy for blogging. I bookmarked it to my bookmark internet website list and are checking back soon. Pls take a look at my web page in addition and tell me what you believe. 377917

  2. 731222 628104Thanks for the post, was an intriguing read. Curious as to how you came about that solution 127809

  3. 386988 794111Sorry for the huge review, but Im genuinely loving the new Zune, and hope this, as properly as the superb reviews some other individuals have written, will support you decide if its the correct choice for you. 746264

Leave a Reply

Your email address will not be published.