NA-RESCUE ng mga tauhan ng Philippine Army ang may 70 mountaineers, hikers at cyclists sa inilunsad na dalawang araw na search and rescue operations nang matanggap ang ulat hinggil sa mga na-stranded bunsod ng walang tigil na pag-ulan sa Pampanga.
Sa ulat ni Philippine Army chief Lt. Gen Cirilito Sobejana, nagawang mailigtas ng 48th Infantry Battalion ng PA at Floridablanca-PNP ang 70 mountaineers, hikers at cyclist na naistranded dahil sa sama ng panahon dulot ng Low Pressure Area na nararanasan ngayon ng bansa.
Ayon kay 7th Infantry Division Spokesperson Maj. Amado Gutierrez, batay sa report ni 48th IB Commanding Officer LtCol. Felix Emeterio Galvez nasa 23 hikers ang na-rescue sa may Barangay Macawat, Floridablanca nang nagtungo ang mga ito sa Malalatawan falls at dito na sila na stranded dahil sa sama ng panahon.
Sa ikalawang araw, nailigtas naman ng mga sundalo at pulis ang may 47 katao na kinailangang lapatan ng first aid dahil sa nalipasan ng gutom sa Sitio Telepayong ng Brgy Mawacat, Floridablanca, Pampanga at Subic, Zambales
Pinuri naman ni 7th ID commanding general Maj.Gen. Alfredo Rosario ang mga sundalo sa kanilang effort sa pagligtas sa mga na-stranded.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Rosario ang mountaineers, hikers at cyclists na maging maingat at i-monitor ang weather situation bago magsagawa ng kanilang mga aktibidad lalo na kapag masama ang panahon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.