HINILING ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa gobyerno na itaas ang public vehicles’ capacity sa 70 percent para mas maraming manggagawa ang maserbisyuhan.
Ang passenger capacity sa mga tren sa Metro Manila ay itinaas sa 30 percent simula kahapon makaraang unang payagan ng pa-mahalaan ang one-seat apart policy.
“Sana kung mabigyan ng 70 percent na ridership malaki ang maitutulong sa ating manggagawa,” sabi ni Bello sa isang panayam sa radyo.
Ayon kay Bello, bagaman binubuksan ng mga negosyante ang kanilang mga negosyo, ang problema ay ang mga manggagawa na hindi makapasok dahil limitado pa rin ang transport service.
Comments are closed.