70% NG ECQ AYUDA NAIPAMIGAY NA

NASA 70 percent accomplishment na ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan matapos ang isang linggong pamamahagi ng enhanced community quarantine (ECQ) ayuda.

Sa ulat ng City Social Welfare and Development Department, hanggang Agosto 17 ay nasa P943,807,000 o 70 % ng P1,342,711,000 pondong nagmula sa pamahalaang nasyonal ang naipamahagi na sa hindi bababa sa 267,704 mga pamilya.

Ayon Pamahalaang lokal ng lungsod,inunang ibinigay ang ayuda sa mga pamilyang may tatlo o higit pang miyembro o ang mga benepisyaryong dapat tumanggap ng P3,000 hanggang P4,000.

“Inaasahan natin na sa mga susunod na araw nitong linggo ay matatapos na ang pamamahagi ng ayudang ito sa Caloocan nang sa gayon ay kaagad itong makatulong sa mga mamamayan,” anang pamahalaang lungsod.

Malaking tulong sa mabilis na pamamahagi ng ayuda sa Caloocan na isang malaking siyudad ang paggamit ng text messaging at iba pang online digital technology sa scheduling, distribution, at documentation system na sabay-sabay isinagawa sa barangay mobile caravans sa tulong ng USSC.
VICK TANES

129 thoughts on “70% NG ECQ AYUDA NAIPAMIGAY NA”

  1. earch our drug database. drug information and news for professionals and consumers.
    https://levaquin.science/# can you get generic levaquin without a prescription
    Drugs information sheet. Definitive journal of drugs and therapeutics.

  2. What side effects can this medication cause? Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://canadianfast.com/# non prescription ed pills
    Some trends of drugs. What side effects can this medication cause?

Comments are closed.