TINIYAK ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na 70% porsiyento ng health workers ng lungsod ay handa na at walang duda na magpapaturok ng Sinovac vaccine mula China.
Kasabay nito,hinimok ng alkalde ang 30 porsiyento pa ng mga health worker, sa halip na hintayin ang vaccine brand ay magpabakuna na rin.
Aniya, higit na mahalaga umano na meron ng proteksiyon sa katawan upang makaiwas sa nakamamatay na virus na hindi alam kung kelan mahahawa o tatamaan.
Kasado na rin anya ang vaccine program ng lokal na pamahalaan kahit nag-aantay pa sa bakuna.
Dagdag ni Teodoro, ngayong lunes darating ang may 500,000 na AstraZeneca mula COVAX, habang kahapon ang Sinovac vaccine. ELMA MORALES
949437 220872But, what about the conclusion? Are you positive in regards to the supply? 527936