70% NG POPULASYON BAKUNADO NA NG 1ST DOSE

UMABOT na sa 70 porsiyento ng target population na 10 milyon na eligible adults sa Metro Manila ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.

Ito ang napag-alaman kay Metro Manila Council (MMC) chairman Edwin Olivarez na nagsabing maganda ang resulta ng datos sa pagbabakuna sa Metro Manila.

“Doon po sa vaccination napakaganda po sa buong National Capital Region (NCR). Pumapalo na po tayo sa kabuuan, ‘yung atin pong first dose vaccination umabot na po ng mahigit 70 percent,” ani Olivarez.

Sinabi rin ni Olivarez na bukod sa 70 porsiyento ng target population na 10 milyon ng mga nabakunahang indibidwal ng unang dose sa NCR ay umabot na rin sa 50 porsiyento ang target population ng mga fully vaccinated na indibidwal.

Sa kasalukuyan, ang local government units (LGUs) sa rehiyon ay nakapagturok na ng apat na milyong COVID-19 vaccines na ipinagkaloob ng gobyerno sa bawat local na pamahalaan sa NCR.

Nauna nang sinabi ni National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon, umabot sa 3.2 milyong doses ng bakuna ang naiturok sa mga indibidwal sa panahon ng pagsasailalim ng NCR sa enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang Agosto 20. MARIVIC
FERNANDEZ

8 thoughts on “70% NG POPULASYON BAKUNADO NA NG 1ST DOSE”

  1. 140051 921635Hey there, I feel your weblog might be having browser compatibility issues. When I look at your web site in Safari, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping. I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, superb blog! 311167

Comments are closed.