MISMONG si Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gavan ang naggawad ng parangal sa mahigit 70 tauhan nito na sumaklolo sa mga sundalo ng Philippine Navy na kinukuyog ng mga tauhan ng China Coast Guard sa pinakahuling Rotation and resupply (RoRe) mission sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ginawaran ng pagkilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang mga tauhan na nagligtas sa mga Pilipinong sundalo na pinagtutulong tulungan kuyugin ng China Coast Guard lulan ng ilang may walong Chinese vessels habang nasa resupply mission.
Isinagawa ang seremonya sa Buliluyan Port sa Bataraza, Palawan kung saan personal na ibinigay ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan ang distinguished Coast Guard Cross at Ribbon ng sa mga crew ng BRP Cabra at BRP Bagacay.
Nabatid na ang dalawang barko ng PCG ay ginagamit sa pagsasagawa ng regular na maritime patrol para masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.
Bukod sa maritime patrol ay mandato rin ng PCG na magkaloob ng seguridad sa mga resupply mission ng Armed Forces of the Philippines sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal. Sa pamamagitan ng kanilang ang BRP Cabra at BRP Bagacay.
VERLIN RUIZ