70 PRIVATE SCHOOLS NAGSARA

MABABANG bilang ng enrollees at problema sa pinansiyal ang mga sanhi ng pagsasara ng mahigit 70 private schools sa Western Visayas.

Ito ay base sa data na inilabas ng Department of Education’s (DepEd) regional office.

Sa nasabing bilang, 59 private schools ang pansamantalang nagsara habang 17 ang nagsara na nang permanente.

Ayon kay Hernani Escullar, regional information officer ng DepEd Western Visayas kasama sa mga nagsarang schools ay sampu sa Iloilo province; Iloilo City — 1; Passi City — 3; Guimaras — 9; Aklan — 6; Antique — 9; Capiz — 7; Bacolod City — 6; Bago City — 1; Cadiz City — 1; Negros Occidental — 7; Sagay City — 2; Silay City — 9; Kabankakan City — 1 at San Carlos City — 4.

Nakahanda naman ang DepEd-Western Visayas na tanggapin sa public schools ang mga estudyanteng mula sa pampribadong eskwelahan.

Nagsimula na noong isang linggo ang pasukan sa pampublikong paaralan na may kasamang ilang araw na face-to-face classes sa loob ng isang linggo habang ang nalalabing mga araw ay online bunga pa rin ng COVID-19 pandemic. R ZUNIGA