70 SAF MEMBERS BIKTIMA NG FAKE RICE INVESTMENT SCAM

rice sacks

COTABATO – PITUMPUNG miyembro ng PNP-Special Action Force ang nagreklamo na biktima sila ng fake rice investment scam.

Ang mga ito ay naghain ng reklamo sa pulisya sa Kidapawan City dahil sa anila’y panloloko na ginawa sa kanila ng isang Bai Mamot Mangacop.

Ayon sa isang SAF member, taong 2016 ng buwan ng Nobyembre, nagsimula silang magbigay ng kanilang puhunan para sa negosyo ng suspek.

Ang mga biktima ay ni-recruit ng kanilang kasamahang si PO3 Beltzasar Elorcosa Aporbo Jr., hanggang sa nagbigay ng malaking puhunan ang mga biktima mula sa SAF-troopers.

Aabot sa P30 million hanggang P40 million umano ang natangay ng mga suspek sa mga SAF trooper.

Napag-alaman din na mayroong ding nabiktima na kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP), ilang sibilyan at kawani ng kapitolyo sa probinsiya ng Cotabato.

Ihahain na ang pormal na reklamo laban sa mga suspek na tumakas at nga­yon ay patuloy na pinaghahanap ng awtoridad. CAMILLE BOLOS

Comments are closed.