UMAABOT sa 70-toneladang basura ang iniwan ng mga deboto sa Quirino Grandstand hanggang sa ilang kalsada na bahagi ng ruta ng Traslacion sa Maynila.
Ito ay sa kabila ng patuloy na panawagan ng makakalikasang grupo at ng pamunuan ng simbahan ng Quiapo na idaos ang malinis na prusisyon ng Itim na Nazareno.
Batay sa tala ng awtoridad, nahakot ang nasabing dami ng basura mula sa Quirino Grandstand hanggang sa Ayala Bridge.