700 MMDA WORKERS NAKAALERTO SA BAGYO

MMDA

NAKAANTABAY ang may 700 tauhan ng Metro Manila Development Authority na handang rumesponde sa oras na manalasa ang bagyong Ompong.

Nagmula ang puwersa ng MMDA sa kanilang Road Emergency Group, Public Safety Division, Flood Control and Sewerage and Management Unit, Rescue Battalion, Metro Parkways Clearing Group, and Traffic Engineering Center.

Nagtayo rin ang MMDA ng mga emergency station sa  EDSA-Roxas Boulevard, EDSA-Ortigas, EDSA-Orense, EDSA-Timog, C5-Libis, Commonwealth-Tandang Sora, at Nagtahan.

Nasa “blue alert”  ang ahensiya upang mapanatili ang patuloy na pag-monitor sa mga posibleng epekto ng bagyo at agarang makares­ponde at makipag-coordinate sa mga kaugnay na ahensiya at opisina ng pamahalaan.

Inabisuhan din ni MMDA Chairman at concurrent chairperson ng MMRRMC  Danilo Lim ang 17 lungsod na nakapaloob sa MMDA na magpatupad ng disaster preparedness sa parating na bagyo.      BENJARDIE REYES

Comments are closed.