700 SUNDALO NA LUMAHOK SA RIM OF THE PACIFIC EXERCISE PARARANGALAN

PH NAVY

MAYNILA – PARARANGALAN bukas, ang 700 sundalong Filipino na lumahok sa Rim of the Pacific ­Exercise.

Ang nasabing pagsasanay ay pinakamalaking maritime exercise sa mundo.

Kasabay ng pagpaparangal ang pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani.

Sakay ng BRP Davao del Sur at BRP Andres Bonifacio ang mga sundalo mula sa Honolulu, Hawaii na sasalubungin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Pier 13 sa South Harbor, Manila.

Kasama ni Lorenzana ang pamilya at mga kaibigan ng mga sundalo sa pagsalubong sa mga sundalo.

Ang Rim of the Pacific Exercise ay ang una at pinakamalaking joint and combined naval exercise na pinangunahan ng US Navy Pacific Fleet.                              EUNICE C.

Comments are closed.