PASAY CITY – UMAABOT sa 7,000 mga Filipino ang hindi pinayagang makalabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) bunsod ng walang humpay na kampanya ng mga ito laban sa human trafficking sa mga paliparan.
Ayon sa pahayag ni Commissioner Jaime Morente, sinasabing bilang ng mga Filipino na hindi pinayagan makalabas ng bansa, ay mga biktima ng illegal recruiters, sapagkat hindi sumunod sa tamang proseso.
Batay sa talaan ng kawanihan, 7,311 ang kabuuan bilang ng mga pasahero sa airport ang naudlot ang departure mula Enero hanggang Marso taong kasalukuyan dahil mga peke ang dalang dokumento na iprenisinta sa immigration counter.
Dagdag pa ni Morente, ang BI officers ay mayroong duty-bound na higpitan ang screening pagdating sa departing passengers, sapagkat sa kanila nakasalalay ang kanilang pakikipaglaban sa human trafficking.
Sinabi pa nito na sa screening sinusunod ng mga ito ang guidelines o alituntunin na ipinalabas ng Department of Justice (DOJ) para sa international –bound passengers sa loob ng paliparan.
Ayon naman kay Erwin Ortanez, hepe ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng BI, karamihan sa mga apektadong mga pasahero ay nanggaling pa sa Mactan, Clark, Iloilo, Kalibo at Davao Airport.
Nadiskubre ni Ortañez na lahat sa nasabing mga pasahero ay kaduda-duda ang kanilang pag-alis dahil sa pagsumite spurious supporting documents sa mga naka duty Immigration Officers .
Kasama sa naantala ang biyahe ay 13 menor na OFWs dahil binago ang mga petsa ng kanilang mga kapanganakan sa mga pasaporte upang makapagtrabaho sa ibang bansa bilang mga house hold helper. FROI MORALLOS
Comments are closed.