BATANGAS- NASA 700,000 litro ng smuggled fuel diesel ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs lulan ng isang barko sa Port of Batangas sa Barangay Mainaga, Mabini sa lalawigan ito.
Base sa report na ipinadala ng BOC-Port of Batangas sa tanggapan ni Customs Commissioner Felimon Yogi Ruiz, lumitaw na negatibo sa fuel marking ang nasabat na krudo nang isailalim ito sa fuel marking analysis.
Una rito namataan ng mga operatiba ng Customs Police Division na nagpapaihi o nagdidiskarga ng krudo ang barkong MT Harmony Star sa dalawang Lorry tanker trucks.
Dahilan upang sitahin ng Customs police at nang simulan silang imbestigahan ay bigo ang kapitan ng barko na magpakita ng mga dokumento ng mga pinagbayarang obligasyon sa buwis ng kanilang kargamentong petrolyo sa BOC.
Kaya’t nagpalabas ng order si Batangas Port District Collector, Atty. Maria Rhea Gregorio ng Warrant of Seizure and Detention laban sa barkong MT Harmony Star dahil sa paglabag sa Section 113 ng Customs Modernization and Tariff Act of 2006 in relation to DOF-BOC-BIR Joint Circular No. 001-2021.VERLIN RUIZ