702 PLAYERS SA WNBL DRAFT

Rhose Montreal

MAY kabuuang 702 players ang nagsumite ng aplikasyon para sa draft ng Women’s National Basketball League, ang unang professional basketball league para sa mga kababaihan sa bansa.

Ang bilang ay ipinalabas kahapon, mahigit isang linggo makaraang isara ng WNBL ang kanilang deadline noong Setyembre  22. Ang  draft application ay nakatakda sanang magtapos noong Oktubre 1, subalit nagpasiya ang liga na maaga itong tapusin dahil sa pagdagsa ng mga aplikante.

Sinabi ni WNBL Executive Vice President Rhose Montreal na hindi nila inaasahan ang pagbuhos ng mga aplikante.

“We at the WNBL are truly humbled with the number of applications we received,” aniya.

“This just shows that we have a lot of talent in women’s basketball here in the country.”

Kabilang sa mga nagpatala sa draft ang mga kilalang player na sina Monique del Carmen, Raiza Palmera-Dy, Tina Deacon, at Fille Claudine Cainglet.

Nakatakda ang draft sa Oktubre 12-16 sa Pampanga.

Comments are closed.