UMAKYAT na sa 859 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa hanay ng Philippine Coast Guard frontliners base sa kanilang huling datos.
Ito ay matapos na madagdagan ng 96 pa ang bilang ng mga tauhan ng mga nagpositibo sa coronavirus.
Subalit nilinaw ni PCG Spokesman Armand Balilo na sa nasabing bilang, 708 na rito ang gumaling dahil sa bagong 131 new recoveries.
Dahil dito, 151 na lamang ang aktibong kaso o patuloy pang nagpapagamot.
Tiniyak ng Coast Guard na ang mga nagpopositibong tauhan ay agad naiaalis sa kanilang stations at nabibigyan ng medical assistance.
“The health condition of PCG frontline personnel are regularly monitored through various efforts such as swab testing amid the COVID-19 pandemic,” ayon sa PCG.
Bukod dito kumpleto rin umano ng supplies ng PPE sets, at iba pang pangangailangang medical ang kanilang mga tauhan.
Nakatakda ring magkakaroon ng sariling quarantine facility ang PCG na kayang maka-accommodate ng hanggang 224 na frontline PERSONNEL. VERLIN RUIZ
Comments are closed.