UMAABOT sa 7,091 motorcycle riders ang sinita ng mga pulis sa buong bansa simula nitong Hulyo 10, 2020 dahil sa paglabag sa “unauthorized couple back-riding” na itinakda ng National Task Force Against COVID-19, ayon sa datos ng Joint Task Force COVID Shield na inilabas kahapon.
Ayon kay Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo Eleazar, JTF COVID Shield Commander, nasa 7,091 violators ang kanilang naitala sa loob ng siyam na araw simula nang payagan ang “pillion riding”.
Dahil dito, mas ninais ng pamahalaan na mas maging mahigpit pa sa pagpapatupad sa dalawang patakarang itinakda kaugnay sa back-riding na kailangan na may installed barriers na naka pasa sa quality safety standard ng NTF Against COVID-19 at ang riders ay kailangan na mag asawa o couple na magkasama sa iisang bubong.
“For a long time, motorcycle riders had repeatedly requested the government to allow at least their partners to back-ride with them due to limited public transportation. And now that the government finally granted their request, they openly and brazenly disregarded the rules that the government was asking from them in return to ensure their safety from the coronavirus infection,” ani PLt. Gen. Eleazar.
Nang payagan na ang pillion riding ng NTF Against COVID-19 sa pamumuno ni Secretary of National Defense Delfin Lorenzana, ang JTF COVID Shield, sa pakikipag-ugnayan kay Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Archie Francisco Gamboa, ay inatasan ang lahat ng police commanders sa buong bansa na tiyaking sumusunod ang mga motorcycle riders sa dalawang nabangit na kondisyon.
Pahayag pa ni PLt. Gen. Eleazar, na base sa kanilang natatangap na feedback karamihan sa mga nasitang motorcycle riders ay nahuling kaangkas ang kanilang mga kamag anak, kaibigan, kapitbahay at ibang tao na malinaw na paglabag sa NTF Against COVID-19 regulation dahil ang pillion riding ay para lamang sa mga mag asawa at live-in couples.
Sa 7,091 nahuling violators, umaabot sa 6,476 ang nahuli dahil unauthorized couples at wala pang installed barriers. Habang 615 ang may installed barriers, subalit hindi naman asawa o ka live-in ang angkas.
Binigyan muna ng warning ng mga pulis ang mga mag-asawa na walang inistalled barriers. VERLIN RUIZ
Comments are closed.