TAGUIG CITY – NASA 709,515 katao ang naaresto dahil sa paglabag sa mga ordinansa sa Metro Manila simula Hunyo 2018 hanggang kahapon ayon sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon kay NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, numero uno sa listahan ang mga lumabag sa smoking ban na umabot sa 174,440 o 25 porsiyento ng kabuuang bilang.
Sinundan ito ng 43,391 na menor na lumabag sa curfew hours.
Ikatlo naman sa pinakamaraming lumabag sa lewd ordinance naked from waist up o mga walang damit pang-itaas na umabot sa 39,556 ang violators.
Kabuuang 33,551 naman ang nahuli dahil sa pag-inom sa pampublikong lugar.
Sinabi naman ni Eleazar na 20.8 porsiyento lang sa kabuuang bilang ang pinagmulta habang 65.3 porsiyento ay binigyan lamang ng warning. VERLIN RUIZ/ROSE LARA
Comments are closed.