IPAGDIRIWANG ngayong Linggo ang World Bread/Pandesal Day sa Kamuning Bakery Cafe sa Quezon City.
Tampok sa pagdiriwang ang pamimigay ng libreng pandesal sa mahihirap na pamilya at magkakaroon ng libreng medical/dental/optical mission.
Sa panayam kay Wilson Lee Flores, may ari ng Kamuning Bakery Cafe, ito ay bilang pagkilala sa Pandesal bilang pambansang tinapay at upang tugunan ang pangangailangan na malutas ang kagutuman.
Nasa 70,000 pirasong tinapay ang ipamamahagi na hinango sa milagro sa Bibliya tungkol sa batang lalaki na nagbigay ng limang pirasong tinapay at dalawang isda na pinarami ni Hesukristo upang maipakain sa maraming tao.
Sinabi pa ni Flores na ito rin ay isang paraan upang maibalik sa publiko ang biyayang natamo nito at ng panaderya.
Ang medical/dental/optical mission ay isasagawa ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII).
Nagsimula ang pagdiriwang nito noong Oktubre 16, 2015 na ang kanilang special guests ay sina GMA Network, Inc. Chairman Atty. Felipe Gozon, Senator Sonny Angara at dating National Youth Commission (NYC) Commissioner Dingdong Dantes.