MAY 70,000 trabaho at $1 billion revenues ang inaasahang madaragdag sa business process outsourcing industry ngayong taon.
Ayon sa Contact Center Association of the Philippines, ang BPO industry ay lalago ng 7 hanggang 9 percent ngayong taon, mas mataas sa tinatayang 6-7 percent para sa global industry sa kabuuan.
Sinabi ni CCAP president Jojo Uligan na naniniwala pa rin ang mga kompanya na ang Pilipinas ang magandang outsourcing destination dahil sa English language skills ng mga Pilipino at sa tax incentives.
“We are forecasting to add another $1 billion in revenues this 2018. That translates to an additional 70,000 more jobs,” ani Uligan.
Ang Information technology courses ang nananatiling may malaking pangangailangan subalit kukuha rin ang industriya ng statistics at mathematics professionals para sa data analytics.
“The Philippines remains as the largest destination for the delivery of contact services for the rest of the world,” sabi naman ni CCAP chairman Benedict Hernandez.
Comments are closed.