70K SUNDALO PINURI SA SEGURIDAD NG ELEKSYON

NAKATANGGAP ng papuri ang 70,000 na mga sundalong ideneploy nitong nakalipas na halalan para tumulong sa Philippine National Police sa pagtiyak ng maayos at payapang eleksyon.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Andres Centino, binibigyang pugay nya ang kanyang mga tauhang nagsilbi sa nakalipas na halalan para lang matiyak ang peaceful at credible local at national elections.

Aniya, ang AFP ay deputized agency ng COMELEC para tumulong sa pagprotekta sa balota.

Sinabi ni Centino matagumpay na namonitor ng mga sundalo ang security situation sa buong bansa lalo na sa mga lugar na ideneklara ng COMELEC na election areas of concern.

Tinuran nito ang ibat ibang military assets ng AFP na ginamit para tumulong sa pag-transport ng mga kakailangan sa nakalipas na May 9 elections.

Nakatulong aniya ang presensya ng tropa ng gobyerno kaya napigilan ang pagtatangkang panggugulo ng mga armadong grupo.

Samantala, aabot naman sa 33,000 mga sundalo ang nakiisa sa Local Absentee Voting nitong Abril 27 hanggang 29. REA SARMIENTO