71 ISKUL WINASAK NI ‘ODETTE’

AABOT sa 71 paaralan ang napin- sala sa pananalasa ng Bagyong Odette sa bansa, ayon sa Department of Education (DepEd).

Pinakamaraming napinsalang paaralan sa Region 6 na 26, na sinundan ng Region 7 na may 12, at Region 8 at CARAGA na may tig-10 napinsalang paaralan.

Anim ang napinsala sa Region 5, tig-3 sa Region 4-B at Region 10, habang 1 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Samantala, umabot naman sa 29,671 na mga paaralan ang naapektuhan ng bagyo sa 11 rehiyon sa bansa habang nasa mahigit 12 million na mag-aaral ang naapektuhan. DWIZ 882