BICOL-NASA 71 gun ban violators na ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 habang umaabot naman sa 65 na ibat ibang uri ng baril ang nahuli sa mahigpit na pagpapatupad ng total gun ban ng joint PNP-COMELEC Checkpoint.
Sa naitalang 65 insidente , ang lalawigan ng Masbate ang nakapagtala ng pinakamalaking bilang na umaabot sa 23, sinundan ng Camarines Sur na may 13; habang 10 sa Sorsogon; siyam sa Albay; 8 sa Camarines Norte Norte; 2 sa Naga habang wala namang naitala sa Catanduanes.
Ayon sa datos ng PNP-PRO5 na ibinahagi ni Bicol PNP chief Jonnel Estomo, nasa 65 assorted firearms at 12 deadly weapons ang kanilang nasamsam sa mga inilatag na checkpoint na gagamitin sa paghahain ng kaso sa may 71 indibiduwal na naaresto mula sa 10, 406 dictated checkpoints at 91 spot checkpoints na isinagawa sa buong rehiyon. VERLIN RUIZ