7,181 BAGONG KASO NG COVID-19

INIULAT ng Department of Health (DOH) na nasa 7,181 bagong kaso pa ng COVID-19 ang kanilang naitala sa bansa hanggang araw ng Miyerkoles.

Batay sa case bulletin #578 na inisyu ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,690,455 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang nitong Oktubre 13, 2021.

Sa naturang kabuuang bilang, 3.1% pa o 82,411 ang nananatiling aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman, kabilang dito ang 75.3% ang mild cases, 12.1% ang asymptomatic, 7.25% ang moderate, 3.7% ang severe at 1.6% ang kritikal.

Nakapagtala rin ang DOH ng 6,889 pasyente na gumaling na mula sa virus sanhi upang umabot na sa 2,567,975 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 95.4% ng total cases.

Nasa 173 naman ang mga pasyenteng namatay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19, kaya’t umaabot na ngayon sa 40,069 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.49% ng total cases.

Samantala, ayon pa sa DOH, mayroong 98 duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kasama rito ang 61 recoveries.

Mayroong 101 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ang malaunan ay natuklasang namatay na pala, sa pinal na balidasyon.

“All labs were operational on October 11, 2021 while 2 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 2 non-reporting labs contribute, on average, 0.2% of samples tested and 0.2% of positive individuals,” anang DOH.

“The relatively low cases today is due to lower laboratory output last Monday, October 11,” anito pa. Ana Rosario Hernandez

151 thoughts on “7,181 BAGONG KASO NG COVID-19”

  1. 640515 177311Wow, incredible blog format! How lengthy have you been blogging for? you make running a weblog glance simple. The full glance of your internet site is fantastic, as smartly the content material material! 78431

Comments are closed.