72 BILLS NAISABATAS SA PANDEMYA

SA pagsasara ng 2nd Regular Session ng 18th Congress, ipinagmalaki ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na mayroong 72 panukalang batas sa Senado ang naging ganap na batas.

Ayon kay Zubiri, ito ay sa gitna ng pandemic kung saan bukod sa 72 naipasang batas ay mayroon pang 21 ang naghihintay na aprubahan ni Pangulong Duterte.

Paliwanag pa ng majority leader, na kabilang sa mahahalagang panukalang batas na naipasa sa Senado mula Hulyo 27 ng taong 2020 hanggang Hunyo 3, 2021 ay may kinalaman sa pagtugon sa pandemya.

Kabilang dito ang Bayanihan 2; Act Expediting the Processing of National and Local Permits, Licenses, and Certifications in Times of National Emergency; ang pag-amyenda sa Social Security Act; ang CREATE Law at ang COVID-19 Vaccination Program Act.

Habang naging ganap na batas din ang Doktor Para sa Bayan Act, Alternative Learning System Act, Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act, Financial Institutions Strategic Transfer Act, Labor Education Act, at ang PNP, BFP, BJMP, and BuCor Height Equality Act.

Mayroon ding 34 na panukala ang naaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa kabilang ang Separate Facility for Heinous Crimes Inmates Act, Inclusive Education Act, Safe Pathways Network Act, Electric Vehicles Act, gayundin ang Special Protections against Online Sexual Abuse and Exploitation of Children Act.

Ipinagmalaki ni Zubiri na ang lahat ng ito ay naipasa sa gitna ng mahirap na sitwasyon ng kanilang hybrid session at COVID lockdown.LIZA SORIANO

Comments are closed.