72-HOUR TRO VS MOTORCYCLE TAXI CAP

TRO-3

NAGPALABAS ang Mandaluyong City Regional Trial Court ng 72-hour temporary restraining order sa cap na inilagay ng interagency technical working group (TWG) sa motorcycle taxis sa ilalim ng nagpapatuloy na pilot run.

Ang kautusan na may petsang Enero  6, 2020 ay nilagdaan ni acting Executive Judge Ofelia Calo.

“At this initial stage of the proceedings, suffice it to that these conditions are extant at the moment, there is urgency in the issuance of a 72-hour TRO,” nakasaad sa kautusan.

“Otherwise, the implementation of the LTFRB’s Revised General Guidelines for the Pilot Implementation of Motorcycle Tais, 17,000 Angkas riders who have been earlier accredited by Angkas and allowed to participate in the pilot implementation will suffer grave irreparable injury as they would lose their jobs,” dagdag pa nito.

Magugunita na si­nimulan ng TWG  ang six-month study sa viability ng motorycle taxis sa bansa, na orihinal na magtatapos noong ­Disyembre  26, 2019.

Pinalawig ito hanggang Marso 23, 2020, at isinama ang dalawang bagong players— ang JoyRide at Move It.

Gayunman ay nagtakda ang TWG ng cap na 39,000 registered bikers—10,000 bikers per transport network company (TNC) para sa  Metro Manila, at 3,000 per TNC para sa operasyon sa Metro Cebu.

Dahil dito ay kakailanganin ng Angkas, na mayroon nang 27,000 riders sa  platform nito bago ang cap, na magbawas ng libo-libong bikers.

Pinalagan ng kompanya ang cap, at tinawag itong ‘anti-competitive’ at ‘morally wrong’.     PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.