724 DRIVERS TINITIKAN, DINAKIP DAHIL SA PAGLABAG SA TRAPIKO

UMABOT sa 724 motorista ang tinikitan ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) dahil sa paglabag sa mga batas trapiko sa isinagawang regular na operasyon.

Ayon kay Regional Director Roque I. Verzosa III , lumabag sa Republic Act 4136 (Land Transportation and Traffic Code), Republic Act 8750 (na nangangailangan ng seat belt para sa matanda), Presidential Decree 96 (na nagbabawal sa paggamit ng sirena, blinkers, busina, at mga gadget para makalusot sa trapiko) at maging sa pagmamaneho ng colorum ang mga inarestong drayber.

Isinagawa ang operasyon mula Nobyembre 8 hanggang Nobyembre 17 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa Malaria, Caloocan at Commonwealth Avenue sa Quezon City na nakahuli 212 motorista.

Sa bilang ng mga nahuling motorista, 68 na sasakyan ang hindi rehistrado, 144 ang may paglabag sa iba’t ibang parusa at apat na sasakyan ang na-impound.

Samantala, noong Nobyembre 16, isinagawa ng LTO-NCR ang isa pang operasyon sa north at southbound lanes ng Quezon Avenue sa harap ng Fishermall na nagresulta sa pagkahuli sa 67 motorista kabilang ang isang taxi ang na-impound dahil sa pekeng rehistro.

Sa isang hiwalay na operasyon sa ibang rehiyon ay naaresto ang may kabuuang 79 motorista noong Nobyembre 15 sa 10th Avenue, Caloocan South at Monumento EDSA.

motorsiklo ang na-impound dahil sa kakulangan ng lisensya ng drayber at ang isa naman dahil ay nagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan habang isang jeepney drayber ang aresto dahil sa pekeng lisensya.

Samantala, sa West Katipunan, East Katipunan at Gateway Cubao mula Nobyembre 8 hanggang 13, kabuuang 366 motorista ang naaresto kabilang na 226 na lumabag sa R.A. 4136; 132 na lumabag sa R.A. 8750, anim na may colorum offenses at dalawa na lumabag sa PD 96.
PAULA ANTOLIN