TAGUIG CITY – LUMOBO na sa 7,291 ang ‘tambay sa kanto’ sa Metro Manila ang naaresto ng pulisya.
Ayon sa PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga nahuli ay lumabag sa iba’t ibang mga ordinansa ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila mula June 13 hanggang alas 5:00 ng umaga kanina.
Pinakamaraming huli sa Eastern police District (EPD) na umabot na sa 2,237; sumunod ang Southern Police District (SPD) na mayroong huli na 2,046; ikatlo ang Quezon City Police District (QCPD) na 1,146; pang-apat ang Northern Police District na mayroong huli na 1,011 at ikalima ang Manila Police District kung saan naroon ang Baseco, Isla Puting Bato at smokey mountain na may 851 ang nahuli.
Inuulan ng batikos ang kampanya ng PNP kontra mga “tambay”, pero nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na ito ay kaniyang polisiya noon pa sa Davao City at patuloy lamang niyang ipinatutupad. VERLIN RUIZ
Comments are closed.