NUEVA ECIJA – DEAD on arrival sa ospital ang isang abogado matapos pagbabarilin noong Biyernes ng gabi sa Barangay Poblacion Sur, Talavera.
Sa ulat na nakarating sa PILIPINO Mirror, kinilala ang pinatay na abogado na si Atty. Bayani Dalangin, 73-anyos, residente ng Cabanatuan City.
Sa ulat ng PNP Nueva Ecija, alas-7:15 ng gabi habang nasa loob ng kanyang opisina ang abogado kasama ang kanyang kliyente nang pasukin sila ng armadong lalaki saka binaril ang matandang abogado.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan si Dalagin dahilan ng kanyang pagkamatay.
Naisugod pa ito sa Talavera General Hospital subalit idineklarang dead on arrival.
Agad namang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo at ngayon ay target na ng manhunt operation ng mga pulis. REA SARMIENTO
Comments are closed.