SINIMULAN na nitong Lunes ang pag-imprenta ng 73 milyong balota na gagamitin sa midterm elections at sa unang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).
Inaasahan nila na makakapag-imprenta ng 800,000 hanggang 900,000 na balota kada araw.
Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na ang pag-imprenta ng mga balota ay tatagal ng 77 araw — o hanggang ika-14 ng Abril.
May priority list ang Comelec sa pag-imprenta ng mga balota, kabilang na ang para sa 11,000 na Filipino na nasa ibang bansa, gayundin ang gagamitin sa eleksyon sa BARMM.
R FUENTES