(73 pasyente buena mano) MANILA COVID-19 HOSPITAL BINUKSAN NA SA PUBLIKO

PORMAL na nagbukas sa publiko nitong Biyernes,Hunyo 25, ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Burnham Green area ng Luneta Park kung saan mayroon agad itong 73 mga buena manong pasyente mula sa kabuuang 344-bed capacity.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang mga pasyente ay magmumula sa six city-owned hospitals at COVID patients na classified bilang mild to moderate cases.

Layon nitong mabawasan ang regular city-run hospitals mula sa COVID cases upang makapag-focus naman sa mga serious o critical cases.

Ayon pa sa alkalde, ngayon na mawawala na ang mga mild to mode­rate cases sa mga regular hospitals, ang doctors, nurses at kawani ay magkakaroon ng mas mahabang oras at espasyo sa pag-aalaga sa mga residente ng lungsod na may ibang karamdaman.

Ngayon na nag-o-operate na ang field hospital ay muling umapela ang alkalde sa doctors, nurses at allied workers na magtatrabaho na laging may ngiti sa kanilang mga mukha kahit na napapagod na.

Aniya,isang simpleng ngiti, sapat na upang mapakalma ang isang pasyente at mapayapa ang kanilang pag-aalala. VERLIN RUIZ

9 thoughts on “(73 pasyente buena mano) MANILA COVID-19 HOSPITAL BINUKSAN NA SA PUBLIKO”

  1. 566308 837945An fascinating dialogue is value comment. I feel that it is greatest to write extra on this matter, it may not be a taboo subject nevertheless normally individuals are not enough to speak on such topics. Towards the next. Cheers 365088

Comments are closed.