7,398 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA

NAKAPAGTALA  ng 7,398 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ito ng Department of Health (DOH) simula Hunyo 27 hanggang Hulyo 3, 2022 ay mas mataas ito ng 60 porsiyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Hunyo 20 hanggang 26.

Nasa 1,057 naman ang daily average cases.

Samantala, may 19 na bagong severe and critical cases habang 74 ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 19.9 porsiyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,342 sa 21,791 non-ICU beds ang gamit.

15.3 porsiyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 381 sa 2,487 ICU beds ang gamit.

Nasa 497 ang severe and critical admissions, o 8.4 porsiyento ng kabuuang COVID-19 admissions.