73M KATAO BAKUNADO NA LABAN SA COVID-19

TINATAYANG aabot sa 73 milyong indibidwal (94.41%) ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 21 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng booster shots habang 6.9 milyong senior citizens (79.43%) ang nakatanggap na ng primary series.

Nabatid na nasa 7,572 bagong kaso ang naitala sa bansa nitong Disyembre 12 hanggang 18, 2022 kung saan 1, 082 kada araw ang dinadapuan ng virus na mas mababa ng 9 percent kung ikukumpara sa mga kaso nitong Disyembre 5 hanggang 11.

Sa mga bagong kaso naman, 7 sa mga ito ang nasa kritikal na karamdaman habang naitala ang pumanaw na aabot sa 186 kung saan 38 ay naganap nitong Disyembre 5 hanggang Disyembre 18.

Sa anunsyo ng DOH na dapat na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1 kung saan laging magsuot ng tamang face mask at manatili sa well-ventilated na mga lugar.

Sinumang makaramdam ng sintomas ng virus ay kaagad na mag-isolate sa loob ng bahay o kaya panatilihinh lumayo sa mga kasama sa bahay.

Base sa tala ng DOH, sa 186 na namatay sa COVID-19 ay 44 ang naitala nitong Disyembre 2022 habang 71 naman noong Nobyembre; 32 noong October 2022, 17 noong September; 3 noong February; 4 naman noong Enero 2022;

Noong nakalipas na November 2021 ay isa ang namatay habang 2 naman noong Oktobre 2021; 2 noong September 2021; 4 noong August 2021; isa noong Hulyo 2021 habang isa noong Mayo 2021; 1 noong Abril 2021; 1 noong Marso 2021, 1 noong Agosto 2020 at 1 noong Hulyo 2020. MHAR BASCO