74-ANYOS NA LOLA NAGTAPOS SA ELEMENTARYA

DINALUHAN ni Congressman Toby Tiangco ang isinagawang graduation ceremony ng mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) sa Lungsod ng Navotas.

Binati ni Cong. Tiangco ang mga graduates kabilang ang 74-anyos na si Urbana Señal Navarrete na nagtapos sa elementarya.

“Saludo tayo kay Nanay Urbana at sa mga kasama niyang ALS graduates dahil hindi naging hadlang ang edad, katayuan sa buhay, o iba pang hamon at pagsubok para sila ay magsikap na makapagtapos sa pag-aaral at ikinararangal namin ang inyong pagpupursigi”, pahayag ni Cong. Tiangco.

Samantala, nakiisa si Mayor John Rey Tiangco isinagawang Brigada Pagbasa ng mga mag-aaral ng Kapitbahayan Elementary School.

Layunin ng programang ito na hikayatin ang mga kabataang mag-aaral sa lungsod na mawili sa pagbabasa.

“Mahalaga po na habang bata, sanayin na po natin ang ating mga anak na magbasa. Sa pagbabasa, mas nahahasa at lumalawak ang kanilang imahinasyon at pagiging malikhain, ang kanilang critical thinking at problem-solving skills, pati na ang kanilang personalidad at karakter”, ani Mayor Tiangco.
EVELYN GARCIA