74 OFWs PA SA MIDDLE EAST MAY COVID-19 

Covid-19 test

PITUMPUT APAT na Overseas Filipino workers (OFWs) na may panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Middle East.

Kaya’t umabot na sa 8,762 kabuuang bilang ng OFWs sa ibang bansa ang kumpirmadong nahawaan ng nasabing sakit.

Sa naturang bilang kasama na rito ang 2,900 OFWs ang patuloy na ginagamot sa mga hospital.

Nakapagtala rin ang DFA ng 19 na pasyente ang gumaling sa naturang sakit mula Asia Pacific, Europa at sa Gitnang Silangan habang 13 Pinoy abroad naman ang nasawi dahil sa COVID-19.

Bukod dito, nakatanggap ang ahensiya ng ulat na 63 mga Pinoy mula sa Africa at iba pang rehiyon ang kumpirmadong din na nahawaan ng COVID-19.

Dahil dito, inaasahan na ng naturang ahensiya ang pagtaas ng bilang ng mga Fililpino repatriates matapos payagan ng pamahalaan ang international flight operation sa NAIA terminal-3. LIZA SORIANO

Comments are closed.