MAY 74 pang pasyente ang gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito ay nasa 2,635 na ang total recoveries ng sakit sa Filipinas.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) hanggang alas-4:00, Linggo ng hapon (Mayo 17), umakyat na sa 12,513 na ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa matapos na makapagtala pa ng 208 ang panibagong sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa DOH, lumobo naman ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa
Sa 208 na bagong kaso, 174 o 83 porsiyento ay naitala sa National Capital Region; isa o isang porsiyento sa Region 7; at 33 o 16 porsiyento sa iba pang lugar.
Iniulat naman na pito pang pasyente ang pumanaw kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay nasa 824 na.
Comments are closed.