KINALAMPAG nina ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro ang Kamara at Senado na dumulog na sa korte para sa 2019 budget dahil apektado na rito ang mga bagong hire na mga guro.
Ayon sa mga mambabatas, hindi pa rin nasusuwelduhan ang mga bagong pasok na public school teachers mula pa nitong Enero dahil nabibinbin ang pag-apruba sa pambansang pondo.
Partikular na apektado rito ang mga gurong bagong pasok matapos ang Mayo 31, 2018.
Nasa 74 na public school teachers sa Region 7 at Region 13 ang delay hanggang ngayon ang sahod dahil sa kabiguang maipasa ang budget.
Katuwiran dito ng mga pamunuan ng mga nasabing pampublikong paaralan na hindi naging sapat ang kanilang savings upang ipansuweldo sa mga guro.
Dahil dito, nakakagawa na ng injustice ang gobyerno sa mga guro na nagtatrabaho at ginagampanan ang mga tungku-lin sa kabila na overworked at underpaid ang mga ito. CONDE BATAC
Comments are closed.