74th MEDICAL MISSION NG SM FOUNDATION, DINAGSA

SM FOUNDATION

DINAGSA ng mga pamilya at empleyado ng SM ang ­idinaos na Medical/Dental and Diagnostics Mission na itinaguyod ng SM Foundation, Inc. sa Trade Hall ng SM Pampanga kamakailan.

SM FOUNDATION-3Sa panayam, binig­yang-diin ni Ms. ­Connie Angeles, executive ­director for Health and Wellness ng SM Foundation, na gina­gawa nila ang proyekto bilang pagkalinga hindi lamang sa mga kawani ng SM kundi maging sa kanilang immediate family member.

“Binibigyang-diin natin sa gawaing ito na dapat pahalagahan ng mga kawani ng SM ang kanilang kalusugan para na rin sa kanilang pamilya. Sini­sikap nating matulu­ngan ang iba pa nilang panga­ngailangang medikal sa pamamagitan naman ng pakikipag-­ugnayan sa iba pang organized groups,” dagdag pa ni Angeles.

Kabilang sa mga libreng serbisyo ang bone scanning, optometry, minor surgery, x-ray, ENT, blood sugar, check-up sa kababa­ihan at pagbibigay ng vitamins, antibiotic at maintenance medicines, batay na rin sa resulta ng mga eksaminasyon.

SM FOUNDATION-2
PINANGUNAHAN ni SM Foundation Executive Director for Health and Wellness Connie Angeles (gitna), kasama sina Kapwa Ko, Mahal Ko producer at host Orly Mercado (kanan) at International College of Surgeons at International Academy of Medical Specialists President Gil Vicente, ang medical /dental at diagnostics mission ng SM Foundation, Inc.

Samantala, personal na dumalo sa gawain si dating senador at ngayon ay producer at host ng ‘Kapwa Ko, Mahal Ko’ na si G. Orly ­Mercado upang makita at mabigyan ng kaukulang tulong ang mga benepisyaryo ng prog­rama na manga­ngailangan ng mas malawak na gamutan.

Tiniyak naman ni G. Gil M. Vicente, MD, ­pangulo ng International College of Surgeons at International Academy of Medical Specia­lists na mananati­ling suportado ng kanilang grupo ang gawain ng SM Foundation sapagkat nani­niwala sila na ito ang tamang pagkakataon na tumulong sa kapuwa nang walang anumang kapalit.

Sa kasalukuyan, tina­tayang umaabot na sa mahigit 74,000 indibidwal ang natulungan ng medical ­mission ngayong taon. Target ng SM Foundation na ­dalhin ang kanilang proyekto sa Visayas at Mindanao para sa ­huling bahagi ng taon.

Ang proyekto ay itinaguyod ng SM Foundation sa ­suporta ng Kapwa Ko, Mahal Ko, International College of ­Surgeons, International Academy of Medical Specia­lists, Order of Malta, Department of Health, Philippine Red Cross at ­Watsons. Mina Satorre / Mga kuha ni Peter Lacang

Comments are closed.