75 IMMIGRATION OFFICERS NAGTAPOS

MAY kabuuang 75 na panibagong batch ng mga Immigration Officers ang nagtapos sa ilalim ng Bureau of Immigrations (BI) Philippine Immigration Academy (PIA).

Ang mga nagtapos ay pormal na kikilalanin sa isang graduation ceremony sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang 75 ay sumailalim sa isang makabagong fast-tracked course na naglalayon na maibigay ang “ brief and concise learning experience” para sa mga bagong IO’s na magsisilbing frontliners sa mga paliparan.

Lahat ng immigration officers ay sumailalim sa pagsasanay sa ilalim ng BI-PIA kabilang ang immigration laws, rules, and procedures. Matatagpuan ang academya sa Clark, Pampanga, pero ang mga bagong officers ay nagsanay sa NAIA para sa mas holistic at on-the-ground training.

Ang mga bagong IO’s ay sinanay sa pinakabago at tamang kaugalian sa immigration industry at maaari silang mai-deploy pagkatapos ng kanilang kurso.

Ang mga bagong nagtapos ay binubuo ng 22 babae at 63 na lalaki at dinaluhan ni Secretary of Justice Jesus Crispin Remulla, bilang guest of honor at speaker.

“I am proud to have been given an opportunity to address you this morning,” ani Remulla sa kanyang talumpati.

“Soldiers you are, warriors you are, but given a task sometimes called so mundane, but actually very significant at a time when terrorism other crimes have crossed borders without limit. You are the ones who limit the movement of people who will not do our country good favor,” ayon pa kay Remulla.

Ayon kay Tansingco, ang karagdagan na mga personnel ay dagdag sa pangangailangan sa airport at iba pang sangay ng BI.

Ang 75 na bagong mga IO’s ay karagdagan sa halos 1,000 personnel na idineploy sa iba’t-ibang paliparan.
PAUL ROLDAN