UMABOT 75 residente ng Pasay ang lumahok sa livelihood training ng shielded metal arc welding na inialok ng lokal na pamahalaan ng Pasay noong Nobyembre 15.
Nabatid sa na sa paglahok ng 75 na residente ng lungsod sa naturang livelihood training program ay makatatanggap din ang mga ito ng P6,400 allowance ang bawat isa sa kanila.
Ang livelihood training ng on shielded metal arc welding ay ipinagkaloob ng Duay Calixto Training Center na itinatag ni yumaong Eduardo “Duay” Calixto na naging ama rin ng lungsod bilang officer-in-charge mayor.
Bukod sa shielded metal arc welding ay mayroon pang ibang livelihood ang iniaalok sa mga residente training ng lungsod na naapektuhan ng pandemya na dulot ng coronavirus disease o COVID-19.
Ang programa ng livelihood training para sa mga residente ay bahagi rin ng HELP (Healthcare and housing, education, Economic growth and environment; Livelihood and lifestyle, Palengke (market) and peace and order) agenda. MARIVIC FERNANDEZ