CAVITE – UMAABOT sa 75 community quarantine violators habang 42 drug peddlers at 34 wanted persons ang nalambat ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang magdamagang anti-criminality campaign sa mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Cavite kahapon.
Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, nasa 42 drug peddlers ang nasakote sa inilatag na 28 buy-bust operations kung saan nasamsam ang 123 small9 plastic sachets na shabu, 26 plastic sachets na dried marijuana, drug money at mga drug paraphernalia.
Samantala, aabot naman sa 34 wanted persons kabilang ang apat na top most wanted na may mga kasong rape, murder, homicide, kidnapping, at iba pang krimen ang nasabat sa ibat ibang bayan at lungsod sa Cavite.
Arestado rin ang 75 pasaway na MGCQ violators na walang face mask, face shield, curfew hours at illegal gambling sa bahagi ng Bacoor City, bayan ng Rosario at Imus City.
Isinailalim nan sa drug test ang 42 drug peddlers habang pina-chemical analysis ang nasamsam na shabu at marijuana bago sampahan ng kasong paglabag sa RA9165.
Binitbit din sa police detention facility ang 34 wanted persons na may mga warrant of arrest kung saan hinihintay pa ang kautusan ng iba’t ibang hukuman para sa kaukulang disposisyon. MHAR BASCO
Comments are closed.